Lunes, Abril 10, 2017

PAGPAPANTIG AT MGA ANYO NG PANTIG

* Ang PANTIG ay ang bawat pagbuka ng bibig sa pagbikaa ng salita.

* May iba't ibang kombinasyin ng mga patinig at katinig na bumubuo sa mga anyo o pormasyon ng pantig. Naririto ang mga anyo o pormasyon ng pantig.

    P- binubuo ng patinig lamang
    PK- binu- binubuo ng patining at katinig
    KP - binubuo ng katinig at patinig
    KPK - binubuo ng katinig, patinig at katinig
    PKK - binubuo ng patinig, katinig at katining
    KKP - binubuo ng katinig, katinig at patinig
    KKPK - binubuo katinig, katinig, patinig at katinig
    KPKK - binubuo ng katinig, patinig, katinig at katinig
    KKPKK - binubuo ng katinig, katinig, patinig, katinig at katinig

KAYARIAN NG MGA SALITA

* May Apat na Kayarian ang salita.

PAYAK - mga salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at hindi itinatambal sa ibang salita tulad ng burol, dagat.

MAYLAPI - mga salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang mga panlapi. Ang panlapi ay mga pantig na idinudugtong sa mga salitang-ugat.

INUULIT - mga salitang may pag-uulit ng isang bahagi o ng buong salita.

TAMBALAN - mga salitang binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang bagong salita.

 
FILIPINO 

MGA DAPAT TANDAAN

ANG BAGONG ALPABETONG FILIPINO

* Ang Bagong Alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu't walong titik.
Lima (5)sa mga titik na ito ay PATINIG at dalawampu't tatlo (23) ang KATINIG.

* Ang Bagong Alpabetong Filipino ay may bigkas ingles malibang sa titik Ñ
    na may bigkas Espanyol.

* Ang makabuluhang tunog ng bawat titik ay tinatawag ding ponema.

* Ang pagkakasunod-sunod ng mga titil sa alpabeto ay siyang basehan sa pag aayos paalpabeto ng mga salita.

ANG MGA KAMBAL KATINIG O KLASTER

* Klaster o kambal katinig ang tawag sa dalawang pinagsamang katinig na bumubuo ng isang tunog.

* Naririto ang ilang halimbawa ng mga kambal katinig o klaster.
  bl - blusa          br- braso      dr- drama     dy- dyip     kl- lkase
  pl - plantsa      pr- prito