Lunes, Abril 10, 2017

PAGPAPANTIG AT MGA ANYO NG PANTIG

* Ang PANTIG ay ang bawat pagbuka ng bibig sa pagbikaa ng salita.

* May iba't ibang kombinasyin ng mga patinig at katinig na bumubuo sa mga anyo o pormasyon ng pantig. Naririto ang mga anyo o pormasyon ng pantig.

    P- binubuo ng patinig lamang
    PK- binu- binubuo ng patining at katinig
    KP - binubuo ng katinig at patinig
    KPK - binubuo ng katinig, patinig at katinig
    PKK - binubuo ng patinig, katinig at katining
    KKP - binubuo ng katinig, katinig at patinig
    KKPK - binubuo katinig, katinig, patinig at katinig
    KPKK - binubuo ng katinig, patinig, katinig at katinig
    KKPKK - binubuo ng katinig, katinig, patinig, katinig at katinig

KAYARIAN NG MGA SALITA

* May Apat na Kayarian ang salita.

PAYAK - mga salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit, at hindi itinatambal sa ibang salita tulad ng burol, dagat.

MAYLAPI - mga salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang mga panlapi. Ang panlapi ay mga pantig na idinudugtong sa mga salitang-ugat.

INUULIT - mga salitang may pag-uulit ng isang bahagi o ng buong salita.

TAMBALAN - mga salitang binubuo ng dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isang bagong salita.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento